Ang Dahilan

ANG DAHILAN Jan 20, ’08 12:34 AM
for everyone

Limang  taon na rin ang nakakaraan nang abutan niya ang nakabitin niyang ina sa kisame ng kwarto nito. Ang dahilan? Problema sa buhay. Nasa ibang bansa ang tatay niya at nabuntis ang Ate niya kaya hindi na kinaya ng isang mahinang ilaw ng tahanan. Ang daming tao noon sa bahay nila nang ibinurol ang Nanay niya. Halos lahat yata ng batchmates niya sa Sci-Hi ay nagsipunta.

            Para sa isang binatilyo na labing-anim ang edad na isang malapit sa ina niya, (isang patunay ay ang palagiang paglilinis ng mama niya sa mga kuko ng paa niya), wala pa siyang nakikitang dahilan para humalakhak siya gaya ng dati. Oo, sa ngayon ay tumatawa at ngumingiti siya, pero hanggang doon nalang daw iyon. Mas madali nga namang ngumiti kesa ipaliwanag mo sa lahat ng kakilala ang sagot sa tanong na kung bakit ka malungkot.

            Heto siya ngayon, bente uno anyos pero nasa Second year College pa lamang. Kahit alam ng lahat na matalino siya, dahil sa pagiging bulakbol ay di pa rin siya pumapasa. Isang tipikal na lalaki: mabait sa mga kakilala niya, paborito ng mga pamangkin niya, mahilig magbasketball, at may mga girlfriend. Tama! Tipikal sa isang tulad niya ang maraming magkagusto dahil sa pagiging agresibo. Matangkad kumpara sa iba, maayos pumorma kahit madalas naka-jersey uniform, hindi payat at hindi rin parang palaka ang katawan dahil sa dami ng abs. Kaya kapag nakasalubong mo sya, kahit hindi kasing gwapo ni Papa Piolo, mapapatingin ka rin, kahit paano. Teka lang, hindi ko sinabing lahat ng lalaki ay kagaya niya. And iba daw kasi, kung walang girlfriend, may boyfriend naman. Pero hanggang ngayon, naniniwala pa rin ako na marami pa rin ang lalaki sa mundo na matino mag- isip. At hindi nabibilang doon si Marky, na isang biktima ng mga desisyong siya mismo ang gumagawa. Biktima pa nga bang matatawag ang ganoon?

            Si Moreen naman, beinte tres anyos na ngunit para lang kasing edad ni Marky. Secretary siya ngayon sa city kaya tuwing weekends lang ang uwi niya. Sa ilang buwan na ganoon ang set up, sanay na si Marky. Naghihintay siya lagi sa may waiting shed. Malapit lang kasi ang babaan sa may bahay nila, tapos malapit lang din sila Moreen dito. Wala akong ibang masasabi sa babaeng ito maliban sa paborito ng halos lahat na taga-kanila dahil sa kabaitan. Hindi man uso, pero mahinhin at mahiyan pa rin siya kahit lagi namang nakaporma. Modern Maria Clara…

            “Heart!”, isang sigaw na rinig ng halos lahat. Dahil isa lang naman ang bumaba, lahat nakatingin sa kanya. May papalapit na isang lalaking may dalang malaking payong, yung parang ganun sa payong ng nagtitinda ng ice cream. “Heart, Heto oh, payong. Pinapasundo ka lang ng ate mo.” Ayaw sumukob ni Moreen dahil nahihiya. Hindi nagsasalita pero lumakad na siya papunta sa kanila. Nang bigla nalang ipinahawak sa kanya ni Marky yung payong. “Marky, ayaw kitang pasukubin dito.” Tumatawa silang dalawa dahil ganoon lagi ang scenario nila. “Alam ko naman eh. Kukuha nalang ako ng payong uli sa bahay pagdaan natin, magpapabasa muna ako sa ulan”. Isang nakakakilig na bagay, pero hindi kalangang ipakita and nararamdaman, pinanindigan nalang ni Moreen ang hindi pagpapasukob sa payong kay Marky.

            Heart na ang nakasanayang tawag ni Marky kay Moreen. Ang dahilan?  Kapag nagtetext si Moreen, may heart-shape sa simula.dahil ayaw nitong tawagin siyang Ate. Ang isa pang dahilan ay dahil may gusto siya dtto, kahit halos sampung beses na niyang nabasted si Marky. Lagi nitong tintanong kung bakit ayaw siya nitong sagutin. Ilang taon na siyang nanliligaw kahit basted palagi. Ang laging sagot ng Heart niya, “Ang dami mong girlfriends. Hindi mo maiwasang hindi pumatol sa kanila, bakit ko ipagkakatiwala ang puso ko sa isang kagaya mo? Mabait ka, pero madaling masugat ang puso ko.” Tapos, sasagot naman yung isa lagi ng, “Kaya ko silang bitawan lahat basta bigyan mo lang ako ng seguridad na ako lang dyan sa puso mo.” At ang ending ng usapan? “Wala kang mapapala sa akin Marky. Pero kung mahihintay mo ako ng kahit ilang taon lang, siguro. Siguro lang ang maisasagot ko sa ngayon.”

            Sa isang taong naiinip, kaya bang makapaghintay ng ilang taon? Isang oras nga lang ay napakahirap na, taon pa kaya? Madalas, kapag nasa kanila lang din si Moreen, laging pupunta don si Marky. Makikikain, makikipanood ng basketball, makikipagkwentuhan. Minsan, nanood sila ng vcd, movie nila Drew Barrymore at Adam Sandler na 50 first dates. Dahil nga comedy, tawa lang sila ng tawa. May isang parte ng palabas na talagang nakapagpatawa kay Marky. Yung tipo ng tawa na maiiyak pa sa sobrang tuwa. Ang tagal ng tawa niya, ang lakas, na halos rinig ng mga dumadaan. Matapos ang ilang oras, dumating ang ilang Tita ni Marky, kinausap si Moreen. Umiiyak… “Ngayon lang uli namin narinig na tumawa ng ganyan kasigla si Marky namin. Ikaw lang ang nakapagpasaya sa kanya ng ganyan. Huwag mong iisipin yung mga babae non ha, loko lang talaga yung bata na yun. Alam naman nating lahat na ikaw talaga ang mahal niya. Ikaw lang at walang nang iba pa kaming gugustuhin para sa pamangkin namin.”  Kapag ganoon ang maririnig mo halos lingo-linggo, hindi ka ba naman mapapangiti?

            Ayokong simulan at matapos ang isang kwento sa malungkot na paraan. Yung tipong kahahawak mo pa lang sa babasahin mo, naiiba na ang mood mo. Oh kaya naman bago mo pa matapos basahin ay naluluha ka na kaya bibitiwan mo nalang. Pero dahil alam kong hindi ako kasing galing magsulat ng iba, madalas, ang mga ayaw kong kalabasan ang nangyayari. Sa mga oras na ito, masasabi kong natapos ang love story ng dalawang taong kanina ko pa ikinukwento. Ang dahilan? Nabuntis ang isang girlfriend ni Marky. Gusto man niyang takbuhan dahil may iba siyang mahal, hindi maari dahil gusto niya pang mabuhay… Lahi ng mga sundalo ang nabuntis niya. Kapag tatakasan niya ang bago niyang responsibilidad, maaaring ikamatay niya pa ito. “Heart, kasalanan mo.”

            Kung ikaw, bilang babae ay maranasan mo ang tulad nito, malulungkot ka ba? Si Moreen, oo. Naiyak pa nga siya nang malaman nya ang balita. Oo, hindi niya ganoon kamahal si Marky, ngunit sa mga ginagawa nitong pagpapasaya sa kanya sa pamamagitan ng mga simpleng bagay, sapat na ang mga mga ito na maging dahilan para magkaroon siya ng pagtingin dito. Sayang nga lang dahil kasalanan ito ng lalaki. “Bakit kasi hindi mo ako nahintay?”

            Sa nangyaring iyon, may magagawa pa nga ba ang mga taong sangkot? Nagpakasal si Marky. Lagi pa rin siyang nagtetext kay Moreen, lagi pa ring nagpupunta sa bahay nila at nakikipagkwentuhan. Parang binata pa rin, parang walang asawa. “Heart, bakit kasi hindi mo ako binigyan ng pag-asa dati? Walang seguridad.”

            Sa mga bagay na nagtatapos, hindi laging ang ibig sabihin ay dapat maging malungkot ka. May dahilan kaya nangyayari ang lahat. Sa kanila ni Marky, nagpapasalamat pa rin siya dahil hindi tuluyang nahulog ang loob niya sa lalaking maaaring manakit sa puso niya. “Bakit kita bibigyan ng security na ikaw lang sa puso ko, gayong ikaw mismo, hindi mo magawa. Kung sanaipinakita mo. Kung sana nahintay mo ako. Kung noon ay binigyan kita ng seguridad na ikaw lang ang mamahalin ko, maaaring ako ang makasakit sa iyo. Ang dahilan? Hindi pa ako handa noon. Mabuti na lamang, natuto akong mag-isip ng para sa sarili ko.”

           

Sponsored Links

Shop at the Multiply Marketplace

Low Prices on Shoes, Jewelry, Clothing, Food, Accessories, T-Shirts, Electronics and much more. Safe Shopping from friendly, trusted sellers. Great deals on local items.
19 CommentsChronological   Reverse   Threaded
prinzesmaan wrote on Jan 20, ’08

insertAudioReply(‘blackhairedcreature:video:14′,’upload-blackhairedcreature-14’,”);

kramthet wrote on Jan 20, ’08
hayst…
prang gs2 ko rin mgsulat ng mga istorya ah.. hehe
nice Dawin… sa mga magbabasa.. aaminin ko na
Ako s Moreen d2 hehe =p
astaldohiliel wrote on Jan 21, ’08
kramthet said

Ako s Moreen d2 hehe =p

hihi… heart!!!

nice one dawin.galing galing!!**

nakakaiyak..wahh***

zheena0717 wrote on Jan 22, ’08
kramthet said

aaminin ko na
Ako s Moreen d2 hehe =p

Wag ka na mag sulat ng storya ate.thet..

Aaminin ko narin ako si MARKY dito..

pero ibang nanay yung tinutukoy ni dawin dito.. ahihihihi

zheena0717 wrote on Jan 22, ’08

nice one dawin

Nice noh….?!? ahihihi
blackhairedcreature wrote on Jan 22, ’08
ate maan, ang boses…=) parang nagkukwentuahn lang ahh… ahem ahem… sya na nga iyan…
blackhairedcreature wrote on Jan 22, ’08
ate thet, i encourage you!!!!=)

hehe…ang pag-amin…bow..

blackhairedcreature wrote on Jan 22, ’08
ate mau, ehem…=) kaw lang naiyak… bakit kaya?=)
blackhairedcreature wrote on Jan 22, ’08
ate zheena, salamat, salamat…
blackhairedcreature wrote on Jan 22, ’08
mga ate, nasira nanaman phone ko. Naerse po ang contacts… Pakisend naman po sakin mga numbers niyo para makapagtext din ako sa inyo… Ate maan, asap…=)
prinzesmaan wrote on Jan 22, ’08

insertAudioReply(‘blackhairedcreature:video:15′,’upload-blackhairedcreature-15’,”);

Comment deleted at the request of the author.
zheena0717 wrote on Jan 23, ’08

Ate maan, asap…=)

Hahaha.. bakit kay maan asap…;)) nweiz ..PM ko na lang sau.. ahihii
prinzesmaan wrote on Jan 23, ’08

bakit kay maan asap…;)) 

it’s bcoz mai secret kami ni dawin.,:p
haha.,;)

send mu na din kasi s knya number m asap!:)

kramthet wrote on Jan 23, ’08
haha.. zheena.. pa-send din # ko.. 😀
gs2 ko rin ng Ate thet asap! 😉
blackhairedcreature wrote on Jan 25, ’08
Ate zheena, january 23 pa yung message mo.. ti now wala pa rin…

Number mo? ASAP!!!!=)

blackhairedcreature wrote on Jan 25, ’08
Te thet???

Number mo po??

asap din sana….

zheena0717 wrote on Jan 26, ’08

Ate zheena, january 23 pa yung message mo.. ti now wala pa rin…

Number mo? ASAP!!!!=)

Hahaha.. pasensya… di ko kasi kabisado.. ahihih
abhie13 wrote on Jun 26, ’08
nakakarelate ako sa story 😦 ang galing narealize ko tuloy sa ending tama nga naman buti na lang nakapagisip c moreen pano kung hindi 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: