I’m the Worst

Part 1.

“to be removed.”

Vi.

I don’t want to be jealous anymore. But I still do. Sabi mo, wala namang dapat ipagselos. Pero bakit ako nagseselos? kasi selfish ako? Or dahil may reasons talaga why I am feeling like that. Ang hirap kayang nagseselos, pero di mo pwedeng sabihin kasi magiging big deal nanaman. In the end, ako nanaman ang mali. Siguro nga, ako talaga ang mali.

Hindi ko masabi lahat ng nararamdaman ko kasi ayokong masira ang mood mo. Pero in the end, ako pa rin ang nakakasira. Pag may tampuhan, madalas, dahil sa naiba yung mood ko at ayaw kong magsalita. Ang nangyayari, obliged akong magspeak up kasi, mawawala ka na din sa mood. Hindi pa nangyayari yung, magmumuryou ako, at hihintayin mo lang akong maging okay. Kung di ako magiguilty, papanindigan mong ako ang may mali at magmamatigas.

Lalo ko gustong magmatigas, kasi kako, baka sakaling maintindihan mo ako, mamiss mo ako, at may matutunan ka. Pero laging sablay eh. isang text mo palang, kahit wala pang sorry, okay na ako. Ayos na. Pero syempre, gusto ko pa ring napag uusapan ang mga bagay bagay. Pero ang daming bagay sa buhay mo ang ayaw mong ishare. Selected lang.

Nung nabasa ko yung dear john ni Sparks, nainis ako. Kasi di ipinaglaban ni John yung love niya, yung girl. Ayaw ko sa ganun eh.

pero ang reason talaga, dahil may ugali yung dalawang characters na pinagsama, ako yun.

Na emotional, na broken kapag di okay with my bestfriend. Na di makagawa ng maayos at magmumukmok nalang. And somehow, expectant na kapag ako ang kasama, gusto ko yung attention nasa akin. Ayos lang makasama ang ibang friends, pero I prefer to be alone with her. Kasi laging limited lang ang time.

Lagi mo naman talagang sinasabi sa akin kung gaano ako kaimportante, kung gaano mo ako kamahal. Pero minsan, hindi ko talaga nararamdaman yun.

Sobrang magkaiba lang talaga tayo ng ugali. Minsan kahit ako nagwowonder, di ko alam yung reason kung paano tayo naging magbestfriends. Siguro dahil ginusto ko lang. At nataong kailangan mo ako that time. i don’t know.

Ang laking issue for me yung napakadali para sa’yo na itapon ako, yung lahat ng napagsamahan natin, dahil lang sa simpleng reasons.

Alam ko naman special ako sa life mo. Pero kapag ibang tao na yung kasama mo, (sabi mo nga, ipinagmamalaki mo ako), ramdam na ramdam kong wala na ako sa sistema mo.

Vi, sobrang nasasaktan ako.

Oo, ayokong umiinom ka kasi lagi, in the end, ikaw yung nahihirapan. Ikaw yung nagtatachycardia at palpitations. Ikaw yung naghahyperacidity. Kaya lang, dun ka masaya eh. Ang makasama yung mga kaibigan mo. Kaw yung mga mas nakakakilala sa kanila.

kaya lang, may mga magulang na naghihitay sa pag uwi mo. Worried sila lagi. Ikaw ang napapagalitan, at ikaw tong sumasagot pa.
Di ko kayang nakikita ka lagi na mugto ang mata dahil nakasagutan ang isa sa kapamilya mo.

Magulang mo sila eh. dapat nirerespeto kahit gaano mo pa ka-ayaw yung ugali nila. Pero di mo sila iniintindi. Ako, kaya kitang intindihin lagi basta bibigyan ng chance, pero dahil unang una palang, yun na ipinangako ko sayo, ang intindihin ka lagi.
Pero sa magulang mo, ikaw ang dapat umiintindi. Matatanda na sila. sa ugaling pinapakita mo lagi, sinasabi mo na rin na wala kang pagmamahal sa kanila.

Nafa-fall in love ka nanaman. Ayokong masaktan ka syempre. Pero ayoko ring pigilan ka kasi sumasaya ka talaga..
Alam mo kung ano yung masakit sa part ko? Yung tipong kahit ibigay ko sa’yo yung buong universe, dahil hindi naman yun ang gusto mo, walang kwenta yung ginagawa ko. Yes, somehow siguro I can make you smile. Pero hindi enough. I will never be enough.
I can never make you truly happy. Nakakatakot sa part ko kasi, dadating yung time, lahat ng efforts ko, sisiw nalang kumpara sa mga ginagawa ng mga taong gustong maging part ng buhay mo.

Gusto ko lang namang mafeel minsan, kahit minsan lang, na kahit wala sila, kahit walang boyfriend, masay ka talaga.

T.T
Yung worth ko…. Stop na.
4:35 am and I’m crying.

(My Last heartfelt article from Blogspot.)

This would be my last blogVi,

Alam mo ba na everytime na inaaway mo ko, dun ko napapakita kung gaano kita ka-love.

Unang reason, pag ako ang nang-away, that’s because of my pride. Affected relationship nating dalawa.

Pag inaaway mo ako dahil sa kung ano mang reason, di ko natitiis na nagagalit ka, na naaasar ka at napipikon ka.
The more na gusto kong sabihing love na love kita.
Na ayaw kong mawala ka sa akin.
Na ayaw kong itaboy mo ko palayo.

Vi, I’ve never been this lost.
I’m so lost. Restless. As if homeless. Wandering around.

This is the season when I’m in need of a bestfriend.
I am not myself lately. Rather, I’ve become the worst of myself.

Pero laging may naghohold back sa akin.

Ayokong maapektuhan yung happiness mo.
Pero di ako magaling magpretend eh. You’ll always be affected.

Weak ako lately.
Mahirap para sa akin ang iopen ang sarili ko knowing na walang kasiguraduhang may aalalay sa akin.

Kailangan mo kasing magfocus eh. Review mo yun. Future mo ang nakasalalay.

Naovercome ko na yung season ng jealousy kasi ipinaintindi mo na sa akin na siya (bago na, di si Will. Mark Len na.)talaga ang happiness mo ngayon. Wala nang issue dun.

Somewhere along the way, by trying to get by, I lost track.

I forgot how I promised to be the most understanding person in your life

And somewhere along the way, I’ve changed.

i don’w know who I am anymore.

(vi: Sana hindi ako magsisi sa lahat ng isinakripisyo ko para sa’yo.)

Vi, i need you. Yun lang.

I need a hand to guide me, to lead me back on the right track.

But I guess, ako talaga ang may mail. Sa akin talaga ang problema. I don’t want us to fight anymore. Sabi mo nga, ginawa mo na lahat. Ako lang ang gumagawa ng sarili kong problema. Siguro nga tama ka.

(Vi: Ginawa ko naman na lahat. nag-adjust na ako. Pinagbigyan ka sa lahat. Ano pa ba ang kulang at nakukulangan ka? Kayo lang ba ang pwedeng sumaya? I’ve longed for this happiness. Hindi ko maintindihan kung ano yung ginagawa mong problema ngayon. Alam mo naman na affected ako sa nangyayari sa atin. Nananadya ka na eh.)

Naiintindihan ko na di mo ako naintindihan. Ang dami mo ring problema. Mas nahihirapan ka. You and him against the world.

You have my support. Regarding Mak.

And i guess, again and again, I need to just get by. ON MY OWN. Life moves on.

I would still be a bestfriend whenever you need one. (Tulad ng kagabi. Kaw na nagsabi, di ako nang iwan.)

————————————————————————————

I want this to be my last heartache regarding this issue. Ako nga lang malamang gumagawa ng sarili kong pains. What I need to do, is to support, and UNDERSTAND.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s