is it too late already?

Dear Sonny Erickson,

Matino ka pa naman sana… Kaya lang bakit ka bumitaw? Bakit iniwan mo siya sa ere?

Dahil nasasaktan ka na? Alam mo namang hirap siya eh… Sana nag-stay ka pa for a while, nang nabigyan mo naman siya ng chance na maparamdam sa’yo na mahal ka na niya. Na hindi na niya kailangan past niya, na ikaw ang present niya.

Pero ang dating, bumitaw ka dahil di mo kayang malaman ng barkada mo nangyayari sa inyo.

PAra sa akin, duwag ka… Pinili mo barkada mo over her…

Pero ang pinapaniwalaan ko, duwag ka, kasi hindi mo kayang labanan yung pain na nararamdaman mo… Mas inisip mo sarili mo…

Naku… Kung sana nagtanong ka muna…

Late ko na kasi nalaman yung thing niyo. Kung naging honest lang sana siya agad sa akin, alam kong malaki maitutulong ko…

Naku talaga… This is the reason kung bakit ayaw ko pag late ko nang nalalaman ang mga bagay bagay,..

Hindi ako bitter over you… Nanghihinayang lang ako…

Aside from the fact na nahihirapan din siya…

Ayaw niya pa ding aminin ng maayos, pero mahal ka na niya… Sa’yo niya nafeel yung security… You’re the one who can make her happy right now, kaw yung makakagawa ng mga bagay na hindi namin kaya…

Sana maisip mo na kailangan ka niya somehow… Pero sa ngayon, sinusubukan niyang buuin sarili niya without you. Kung hindi ka nagpaalam, dalawa sana kayong bubuo nun… Di ba?

You’ve become her happiness. Maloloka na yun kahahanap sa’yo this time pero nagtatago ka, at di ko alam kung intentional or unintentional…

I just hope na marealize mo, na mahal mo siya talaga, at siya ang happiness mo, at makaya niyong dalawa criticisms ng maraming taong nakapaligid sa inyo…

Huwag maging duwag… Masasaktan ka talaga kasi pareho kayo, kinuconsider niyo lagi mga kaibigan niyo… Sana dumating ang time, na ang mahalaga lang ay kayong dalawa…

Hm, within this week, sana bumalik ka na at magparamdam sa kanya… Am I hoping too much?

Or is it too late already?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: